Naisipan kong isulat ang blog na ito dahil kanina lamang ay nagkausap kami ng aking nanay.
"Anak, nakita ko yung naiwan mo dito sa computer. Yung limang valedictorian (ang tinutukoy niya ay si
Ronibats na iniidolo ko). Gifted talaga."
Ronibats na iniidolo ko). Gifted talaga."
Sabi ko naman, "Nag-aral kasi silang maigi dahil nakita nila kung paano naghirap yung magulang nila."
"Aba eh naghihirap din naman kami ni Papa mo" , sagot ng nanay ko.
"Oo nga po, hintayin mo lang Ma at ipapakita ko din po sa inyo sa pasukan."
Alam ko na hindi madali yung mga huling salita na sinabi ko sa nanay ko. Basta ang alam ko ay mag-aaral ulit ako sa darating na Hunyo upang tuparin ang mga pangarap ko na maging isang ganap na doktor.
Bakit nga ba Medisina?
Bata pa lang ako ay bukambibig ko na ang pangarap ko na maging doktor. Kapag tinatanong ako ng mga tiyahin ko kung ano ba ang gusto ko paglaki ko, ang sinasabi ko lagi ay "Gusto kong maging doktor!". Naalala ko, tatanungin pa nila ako, bakit naman doktor? Mayroon akong dalawang sagot dyan kahit noong maliit pa ako. Ang una ay para makapanggamot ng mga may sakit, at ang pangalawa ay kumita ng pera. Oo naman, sino ba naman ang hindi gustong kumita ng pera? Sa pagkakaalam ko, kapag napagtagumpayan mo ang kursong ito ay tiyak na hindi ka magugutom. Gusto kong kumita ng pera para sa pansarili kong gastusin at para na rin sa magiging pamilya ko. Okay na ko sa payak na pamumuhay. Isinantabi ko na yung mga pangarap kong malaking bahay na may swimming pool sa loob, magagarang kotse, wallet na doble doble (lol kanta yan ni gloc 9). Naiisip ko na nanggagamot ako ng mga maysakit at meron akong pamilya. Okay na ako doon.
Bakit hindi na lang Nursing? Magpapagod ka pa ng humigit-kumulang 5 taon. Pwede ka naman makatulong sa mga may sakit at kumita ng mas malaki pang pera kapag tinuloy mo ang pagiging nars mo ah?
Oo alam ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, isinantabi ko na yung pangarap kong marangyang pamumuhay. Pwede akong makatulong sa mga may sakit kapag nars ako pero iba pa rin talaga kapag ikaw na mismo ang nagbibigay ng lunas sa pasyente mo. Yung tipong ikaw ang nagrereseta ng gamot, nag-oopera, nagche-check up, at kung anu-ano pa. Hindi ko minamaliit ang mga nars natin. Malaki ang respeto ko sa kanila at alam kong hindi matatawaran ang mga sakripisyong ginagawa nila para lang mapangalagaan ang kanilang mga pasyente. Lalo na yung mga nasa ibang bansa na kumakayod maigi makapagpadala lang ng pera para sa kanilang mga anak na halos 10 taon na nilang hindi nakikita at magdadalawang beses nang aakyat sa entablado ng hindi man lang nila nasasabitan ng medalya. Ah basta, alam niyo na ang ibig kong sabihin.
Sa ngayon, alam kong medyo idealistic ang mga pangarap ko na makatulong sa kapwa kapag doktor na at kung anu-ano pa. Marami na akong nabasa na nagsasabing hindi mo talaga malalaman ang buhay ng isang doktor hanggang sa ikaw ay maging isa rin sa kanila.
Basta, kahit anong interbyu pa yan, at tanungin ako kung bakit gusto ko maging doktor, ang isasagot ko lang ay, "Dahil gusto ko pong makatulong sa mga nangangailangan ng tulong medikal." Marami pa akong kakaining bigas para matupad ko 'tong mga ito. Mag-aaral ako ng mabuti sa darating na pasukan at alam ko na kakayanin ko ito. 5 taon mula ngayon, isa na akong doktor! Taga mo sa bato!
Ako rin gusto kong maging doktor. Goodluck wong! I'm glad you're starting to fulfill your dreams. Godbless!
ReplyDeleteSo happy because you are really determined to become one...good luck Edward :) I know you can do and make it with flying colors. I I know also that after five years you'll be called Dr. Edward Wong. Thanks for being good to everyone. You will always be our friend though you'll become busy and may not physically present in our lives.Break a leg Dr. Wong.
ReplyDeleteThank you so much mga friends!!
ReplyDeleteeedi wow! :)) lol
ReplyDelete