Tips po base on my own experience..
- ngayong alam niyo na ang papunta, alam niyo na rin dapat ang time ng departure niyo, kahit dumating kayo ng 6am dun walang problema, ako dati sa may Jose Rizal Elementary School sa Tondo, umalis ako 5, dumating ng 6:10 private vehicle..
- huwag heavy breakfast, light lang.. :)
- nasilip mo ba mga pwede kainan during break time? Kung wala, minsan may mga nagtitinda sa mga public school during the actual day. Pero much better kung may dala kang sarili.. Huwag na huwag kalimutan ang pagkain, mahirap magexam ng gutom..
- Set your circadian rhythm ngayong gabi, although dapat mga 2 weeks before. Sleep on a specific time, okay na yan kahit 2 days lang. Bukas, mahirap makatulog promise. Kaya humiga ng maaga, or magpagod sa umaga para tulog agad.. Saturday night naman tulog ka agad for sure, dahil sa pagod.. Magbasa ka ba naman ng 300 items at 1200+ choices eh..
- Sa mga mag dodorm, be sure na safe ang uupahan niyo ha. Ingat sa holdup! May batchmate ako, naholdup siya gabi ng first day, tinangay pati NOA niya. "Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang, ang aking noaaaaa.." Kaya ingats!!
- Reviewers? Huwag na magdala, may iba dun magdadala ng books, test papers, etc. Ako nagdala ako ng preboard exam, pero hindi rin magamit, puro kwentuhan eh. Tsaka short-term memory na lang papasok yun kaya doesn't make sense.. Enjoy the rest of the hour habang naghihintay ng exam. Sight seeing sa mga chix!
- Huwag matakot magtanong sa mga proctor, kahit na terror pa yan. It is your right. Huwag mo isugal ang exam mo dahil lang sa takot mo. Malay mo yung point na yun ang magpapasa sayo..
- Learn to manage your time habang nageexam, kapag hindi alam ang sagot, next question na. Balikan na lang, huwag rin kalimutan ang wrist watch..
- Bring jacket, candy, sharpener, extra pencil, calcalator, pamaypay, payong, rosary sa bulsa, etc.
- Foods during exam? Ako dati kinakain ko habang exam is Hansel tsaka C2 Apple. Basta ilagay mo lang sa gilid ng upuan mo yung food, kapag sinita, edi ayun.. Pero kapag hindi, go lang. Mahirap ang mag exam ng gutom like i told you..
- Sa mga public schools naka assign tulad ko, huwag mag alala sa maingay, habang exam mawawala sa attention mo yan. Focus, focus.. Kahit maliit ang upuan relax lang. Mind over matter. Yung mga uka uka sa desk, ingatan.
- Huwag na huwag na huwag magbubura, don't take the risk..
- Umuwi agad after the exam, ang sarap magpahinga after. Huwag na magbasa pag-uwi, mag ccram ka lang kapag hindi mo nabasa yung iba..
- Kapag kinakabahan, at hindi alam ang sagot, relaaaaaaaaaaxxx, praaaaayyyy...... Take a deep breath to boost oxygen sa brain for better thinking..
- Sa simula lang yang kaba na yan, habang nagsasagot ka na malilimutan mo din yan.
- 4 years of college days and 3 months of intensive review is enough, yolo, kayang kaya niyo yan. Confidence lang!!
- Sa mga may tanong, pm lang po, feel free to ask questions. After ng exam, sa mga balak magwork kung saan saan, baka may idea ako sa mga gusto niyong pasukin, pm lang kayo :))
- And most important of all, ENJOY TAKING THE WHOLE EXAM!!
Sensiya na po kung mahaba, dapat nung Tuesday to eh.. Beat it!! Goodluck and Godbless you all!!
Disclaimer: This is based on my own experience, this is just a tip. Each and everyone who took the board exam has their own perspective on what to do during the actual day. Thank you and Godbless!! :))))
HAHAHA."Bring jacket, candy, sharpener, extra pencil, calculator, pamaypay, payong, rosary sa bulsa, etc." PATI REF nyo sa bahay dalhin mo na. hahahaha. enjoy ang blog. memories! syet :))) akalain mong 1 year na yun kambal.
ReplyDeleteOo nga kambal eh. Sorry late reply haha! Nakakamiss talaga maging estudyante syet.
ReplyDeleteNakakakaba naman kuya Edward. Kakatake ko lang ng NLE nung June 2 and 3 and hopefully makapasa talaga. Ano bang pwedeng gawin habang nagiintay ng result? Di ako mapakali. haha
ReplyDeleteHello Angie. Thanks for reading my blog :) Just enjoy your vacation. We've been through hundreds or even thousands of test questions during our 4 years in college. I think that it is enough to pass a 500 item exam given that you have taken your college seriously.
DeleteYou might want to take a part time job if you are really bored. You can also renew your Red Cross license or volunteer in a hospital. :)